Saturday, June 18, 2005
Thoughts raising in my head
Ang namimiss ko sa iskul ay ang two-day weekend kse pagnagwowork ka na isang araw na lang ang walang pasok. So lahat dapat ng kailangan mong gawin eh mapagkasya mo sa loob lang ng isang araw. Pero ang gusto ko sa nagtatrabaho wala ng assignments. Pag-uwi mo sa bahay wala ka ng iintindihing homework.
I am a self-confessed nerd. Mas gusto kong mag-aral kesa sa mga gawaing bahay. Kaya hanggang ngayon di pa din ako magaling magluto. Kaya ko nga pinili si Jase kse magaling sya kaya panigurado di kami magugutom pero sabi nya it's a must na matuto ako bago nya ko pakasalan. Pero saka na ko magiging fully domesticated. Sandali lang naman yung possible life span ng aking career kaya ieenjoy ko na lang muna.
Pinapirma kami ng salary increase today dahil don sa Php10.00 wage increase (Php 25 kung sa Manila ka). Hindi ko na dudugtungan to kse grievances lang ang kasunod.
Namimiss ko ng manood ng Dawson's Creek. Sa totoo lang gusto ko talaga si Pacey and Joey. Tsaka during that time medyo parallel yung mga nangyayari sa mga episodes nila tsaka sa buhay ko kaya naman I can say I grew up with those guys.
Binilan ko pala si Tatay ng gift certificate sa Island Spa for Father's Day kaya nga kahit kakasweldo pa lang eh wala na kong kapera-pera. Pero ok lang minsan lang naman yun eh and he deserves it.
04:39 Posted in Ponder This Thought | Permalink | Comments (2) | Email this
Comments
ang ganda naman ng gift mo para kay tatay :)
gaya ng sabi mo, nami-miss ko din ang iskul pwera exams. nakaka-miss yun barkada ko nun nasa college ako. wala na akong balita sa kanila. i still see a few of them every now and then.
matututo ka din magluto. yun isa kong sis na nag-asawa last yr, marunong na sya magluto. pero yun other sis ko, she relies on bottled sauce *hehehe* wala na daw syang iintindihin pa kungdi yun meat then yun ready made sauce. in 10minutes, luto na daw *lol*
Posted by: thesearemyconfessions | Monday, June 20, 2005
wowww.. IslandSpa.sana saken din may magbigay nun! thanks fo' droppin by my blog.
Posted by: katia | Wednesday, June 22, 2005
The comments are closed.