Friday, July 01, 2005

Happy Sad

Mag-1 one week na pala akong di nakakapagpost. Hindi ko kse maidescribe yung mga nagyayari sa akin ngayon... Parang... parang may isang anghel sa aking labi na nakalutang sa ulap at nangingiliti.... Sigh!!! Halos lahat na yata ng system na hawak ko ay nagpapadagdag ng mga function kaya eto panay ang O.T. ko.

Kahapon naman nareceive ko na ang aking last paycheck as an MIS Staff and I am looking forward sa 15 to get my first pay check as a programmer.

Tapos the other day, inaaway na naman ako ni Jason dahil sa di ko pagsisimba. Ang kulit! Sinabi ng hindi pa ko handa. Bat ba mas mahalaga pa sa kanya yung mga sinasabi ng tao na di tama yung ginagawa ko kesa sa totoong paghilom ng sugat sa pagkatao ko. Sinabi ko naman eh, babalik din ako kailangan ko lang ng panahon. Wag na kong pilitin... I know in the end, I have to accept His plans and I need time for that. Bat nya ko tinatanong na kailangan ako magiging handa? Bat mo ba ko hinihingan ng deadline??? My foundation have been shattered into pieces and I need time to put them back together. Mahirap bang intindihin yon?

The comments are closed.